Lunes, Disyembre 4, 2017

Tekstong Deskriptibo


"Kapaligiran"

                

                Matatagpuan sa ating kapaligiran ay ang tubig na malayang umaagos. Tubig na nagbibigay inumin kapag tayo ay nauuhaw, ang tubig ay minsa’y malinaw na kasing linaw ng paningin natin at minsa’y kulay asul na nag papahiwatig na ito ay malalim.Ang mga ginto na ito ay napakaganda tingnan dahil sa magagandang katangian nito, ang mga kulay berde na dahon, ang mga gulay na nagsisigandahan ang kulay, at ang dagat na nagdadagdag kagandahan sa paligid.Ang mga punong kahoy, na nagbibigay saatin ng napaka sarap na simoy ng hangin, at bumubuo sa sangkap na kailangan sa paggawa ng ating mga tahanan. Mga punong kahoy na may mga malalapad at matangkad, na nagbibigay saatin ng iba’t-ibang kabuhayan at mapagkaki-kitaan.



       

Linggo, Nobyembre 26, 2017

Pagbasa (Tekstong Impormatibo)


                                        Serbisyo ng MRT, Palpak Nanaman!!!


      Kadalasan, karamihan sa mga taga-gobyerno nakakalimutan na ang salitang ‘delicadeza’.Kahit palpak na sa kanilang tungkulin o ‘di naman kaya ay nasasangkot na sa isyu ng katiwalian, kapit-tuko pa rin sa kanilang puwesto.Pero ngayon, muling narinig ang salitang ‘deli­cadeza’ nang magsumite ng kanyang irrevocable resignation si Transportation Undersecretary for Rails Cesar Chavez.Kahiyaan na raw kaya inako ni Chavez ang magkakasunod na aberya sa MRT gaya ng pagkaputol ng braso ng isang babaeng pasahero at ang pinakahuli ang pagkalas ng bagon sa pagitan ng Buendia at Ayala stations.Kahanga-hanga ang ginawa ni Chavez pero sa kabilang banda, symptomas ito nang mas malaking problema sa DOTr. Patuloy ang pagtaaas ng singil sa pamasahe ngunit wala pa ring naisasakatuparan sa mga plano nito. Sa kabila nang lahat ng aberya wala pa ring natutupad sa mga operasyon ng MRT wala pa rin aksiyon ang ahensiya sa paglutas sa problema nang public transport at traffic.