Linggo, Enero 14, 2018

Tekstong Prosidyural

Paraan ng pagluluto ng sinigang na baboy

Image result for hakbang sa pagluluto ng sinigang na baboy
  1. Palambutin ang karne.
  2. Pakuluan sa aparteng kalderong may kaunting tubig, kamatis na buo at sampalok.
  3. Kapag lumambot na ang karne ay ihulog ang buong gabi.
  4. Kapag malambot na ang gabi ay isabay ang sitaw, kangkong, sigarilyas at okra.
  5. Hanguin ang nilagang kamatis sa pinggan at ligisin o pigain at ihulog sa sabaw ng sinigang.
  6. Hanguin ang sampalok at ligisin ito sa pinaglagaang tubig at salain bago itimpla sa sabaw ng sinigang.
  7. Isama ang asin ayon sa alat at asim.

Huwebes, Enero 11, 2018

Tekstong Argumentatibo




Pagbalik ng Death Penalty

      Ang Death Penalty ay isang batas na naglalayong bigyan ng kaukolang parusa ang sinomang makakagawa ng krimen, katulad na lamang ng pagkitil sa isang buhay ng tao at rape. Bukod dito, mabibigyan rin ng sapat na hustisya ang biktima kapag napatunayan karapat-dapat bigyan ng Death Penalty ang suspek dahil sa batas na ito. Ito rin ang makikitang paraan ng gobyerno upang maiwasan ang pagtaas ng antas ng krimen dito sa ating bansa. Maraming mamamayan sa Pilipinas ang sang-ayon dito dahil na rin sa positibong epekto nito sa ating bansa. Ngunit marami naman ang di sang-ayon dito dahil labag daw ito sa batas ng Panginoon. Baka ito rin ang maging dahilan ng kaguluhan sa ating bansa.

Lunes, Enero 8, 2018

Pagbasa (Tekstong Naratibo)

 Batid naman nating lahat na ang Pilipinas ay dumaranas ng talamak at malawakang korupsyon sa ating pamahalaan. at ito ay nakaugat na sa sistema ng pulitika dito sa Pilipinas. Napakatagal na panahon na kaakibat ng salitang “pulitika” ang “korapsyon.”
Kabilang sa mga paraan ng korapsyon na isinasagawa sa Pilipinas ang graft, panunuhol, paglustay ng salapi, mga kasunduan sa likurang pintuan, nepotismo at padrino.
Maraming ahensiyang nilikha upang sugpuin ang korapsyon sa Pilipinas tulad ng Office of Ombudsman (OMB), Civil Service Commission (CSC), Commision on Audit (COA), at Sandigang Bayan na ang layunin nila’y mag silbing hadlang at sumugpo sa mga opisyales sa gobyerno at sa mga taong na nanamantala sa kaban ng bayan.
Ganun pa man ang korapsyon ay patuloy pa ring laganap sa kadahilanang ang mga nasabing ahensya ay hindi nabibigyan ng lubos na kapangyarihan upang labanan ang korupsyon.
Ang pagsugpo sa korapsyon ay hindi lamang nakasalalay sa iisang tao. Tayong lahat ay may kakayahan na sumugpo sa korapsyon. Kung lahat tayo ay magtutulungan, kung lahat ay magbabago sa indibidwal na lebel, kung lahat tayo ay magiging bantay laban sa korapsyon, mawawala at masusugpo natin ang korapsyon.
Kung ako ay bibigyan ng kapangyarihang sugpuin ang Koraprsyon sa ating bansa ito ang aking gagawin ay;
"Susuporthan ko at palalakasin ang mga ahensyang naglalayong sugpuin ang korapsyon bilang pag bibigay ng karampatang sahod, parangal at pabuya sa mga naka huli ng mga taong mapag samantala sa kaban ng bayan. At pagbibigay ng karagdagang pag aaral at kaalaman sa mga kabatang mag aaral kong paano mapaglalabanan at sugpuin ang lumalaganap na korapsyon sa ating Bansa."

Lunes, Disyembre 4, 2017

Tekstong Deskriptibo


"Kapaligiran"

                

                Matatagpuan sa ating kapaligiran ay ang tubig na malayang umaagos. Tubig na nagbibigay inumin kapag tayo ay nauuhaw, ang tubig ay minsa’y malinaw na kasing linaw ng paningin natin at minsa’y kulay asul na nag papahiwatig na ito ay malalim.Ang mga ginto na ito ay napakaganda tingnan dahil sa magagandang katangian nito, ang mga kulay berde na dahon, ang mga gulay na nagsisigandahan ang kulay, at ang dagat na nagdadagdag kagandahan sa paligid.Ang mga punong kahoy, na nagbibigay saatin ng napaka sarap na simoy ng hangin, at bumubuo sa sangkap na kailangan sa paggawa ng ating mga tahanan. Mga punong kahoy na may mga malalapad at matangkad, na nagbibigay saatin ng iba’t-ibang kabuhayan at mapagkaki-kitaan.



       

Linggo, Nobyembre 26, 2017

Pagbasa (Tekstong Impormatibo)


                                        Serbisyo ng MRT, Palpak Nanaman!!!


      Kadalasan, karamihan sa mga taga-gobyerno nakakalimutan na ang salitang ‘delicadeza’.Kahit palpak na sa kanilang tungkulin o ‘di naman kaya ay nasasangkot na sa isyu ng katiwalian, kapit-tuko pa rin sa kanilang puwesto.Pero ngayon, muling narinig ang salitang ‘deli­cadeza’ nang magsumite ng kanyang irrevocable resignation si Transportation Undersecretary for Rails Cesar Chavez.Kahiyaan na raw kaya inako ni Chavez ang magkakasunod na aberya sa MRT gaya ng pagkaputol ng braso ng isang babaeng pasahero at ang pinakahuli ang pagkalas ng bagon sa pagitan ng Buendia at Ayala stations.Kahanga-hanga ang ginawa ni Chavez pero sa kabilang banda, symptomas ito nang mas malaking problema sa DOTr. Patuloy ang pagtaaas ng singil sa pamasahe ngunit wala pa ring naisasakatuparan sa mga plano nito. Sa kabila nang lahat ng aberya wala pa ring natutupad sa mga operasyon ng MRT wala pa rin aksiyon ang ahensiya sa paglutas sa problema nang public transport at traffic.