Pagbalik ng Death Penalty
Ang Death Penalty ay isang batas na naglalayong bigyan ng kaukolang parusa ang sinomang makakagawa ng krimen, katulad na lamang ng pagkitil sa isang buhay ng tao at rape. Bukod dito, mabibigyan rin ng sapat na hustisya ang biktima kapag napatunayan karapat-dapat bigyan ng Death Penalty ang suspek dahil sa batas na ito. Ito rin ang makikitang paraan ng gobyerno upang maiwasan ang pagtaas ng antas ng krimen dito sa ating bansa. Maraming mamamayan sa Pilipinas ang sang-ayon dito dahil na rin sa positibong epekto nito sa ating bansa. Ngunit marami naman ang di sang-ayon dito dahil labag daw ito sa batas ng Panginoon. Baka ito rin ang maging dahilan ng kaguluhan sa ating bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento